19th Sunday O.T A (Mathew 14:22-33)
I. Story: “Patient’s First Operation”
- Divine Faith is trusting the Words of Christ, though we cannot understand how it works.
II.Dito sa Ebanghelyo, umakyat si Hesus ng bundok to pray alone, in solitude. Naging habit na ni Hesus ang magpunta ng bundok o sa lugar na walang tao, upang mapag-isa at upang makipag- “communion” sa kanyang Ama.
- Para ang lahat ng kanyang iisipin,sasabihin at gagawin ay tunay na magmula at palaging nagsisimula sa Ama. Upang ang kanyang buong “sarili”, pag-iisip at kalooban ay palaging nakapako sa kalooban ng kanyang Ama.
- At halos magdamag syang nagdarasal. Madaling araw na ng sya ay matapos. And between 3 am and 6 am, nakita sya ng mga disciples, walking on the water.
III.Ilang tao po ba ang kilala nyo na nakakalakad sa ibabaw ng tubig? Si Hesus lang. Itong paglalakad ni Hesus sa ibabaw ng tubig ay isang epifania, epiphany, o manifestation, a revelation.
- A revelation of his identity, a revelation of his Divinity, as Son of God and God himself. Also a manifestation of his divine power and authority over the forces of nature.
- Ng makita ito ni Peter, he asked Jesus to command him to come to him, “Lord… on the water”. And Jesus said “Come” “Halika”. Pero ng sya ay malapit na bigla syang unti-unting lumulubog. Ang tanong: Bakit? Ano ang mistake ni Peter?
- He got distracted. He lost his focus on Jesus. Inalis nya ang kanyang tingin kay Hesus. Dapat palaging nakapako ang kanyang tingin kay Hesus at dire-diretso lang.
- Kaso ang nangyari, ng maramdaman nya ang malakas na hangin, pinansin nya ang malakas na hangin, tumingin sa tubig, sa alon. At duon pinanghinaan na sya ng loob at unti-unti ng lumubog. He doubted the words of Jesus. “Halika, lumapit ka, huwag kang matakot.”
IV.Mga kapatid, Peter is a symbol of all of us. He symbolizes all of us. Siya ay “larawan” nating lahat. Just like Peter, madalas, we also get distracted and lose our focus on Jesus. Nawawala ang tingin natin o inaalis natin ang tingin natin, kay Hesus at tumitingin tayo sa iba.
- E.G. Alam po ba ninyo kung bakit may mga pari na pinanghihinaan ng loob, tinatabangan sa kanilang pagkapari? Hindi nila na aapreciate ang pagiging pari and eventually leave the priesthood?
- Because they lost their focus on Jesus. Nawala ang tingin kay Hesus at tumingin sa iba. They become so engrossed with the work of the Lord, they were so taken up with the work of the Lord, that they forget the Lord of the work. Masyadong busy sa gawain ng Panginoon, na nalimutan nila ang Panginoon ng gawain.
- E.G. Cardinal Sin to Fr. Soc Villegas, “When you are busy, pray one hour a day, when you are very very busy, pray two hours a day”. At ang dahilan para siguruhin na ang pag-iisip ay palaging nakapako kay Hesus.
V.Mga kapatid, ganun din dapat tayo, kahit gaano tayo ka busy araw-araw, we should find time to pray, to be in communion with God.
- Dapat palaging nakapako ang ating isipan at kalooban sa Diyos, katulad ni Hesus palaging nakapako ang kanyang isipan at kalooban sa Ama.
- Sa buhay natin, habang nakapako ang ating tingin kay Hesus, maganda ang takbo ng lahat sa buhay natin.
- Pero sa sandaling makalimot tayo kay Hesus, at tumingin sa iba, duon unti-unti tayong lulubog, at mawawalan ng balance ang buhay natin.
- At kung sa palagay po ninyo, nawawalan ng balance ang buhay niyo, unti-unti kayong lumulobog katulad: “Turn your eyes back to Jesus” – and say, “ Lord save me!” Tingin uli kay Hesus at tumawag. At iaabot ni Hesus ang kanyang kamay upang ika’y tulungan.
- Mga kapatid, si Peter ay hindi masasabing walang paniniwala o pagtitiwala, meron pero maliit o kulang sa paniniwala o pagtitiwala. Katulad natin, may mga katoliko na may paniniwala o pagtitiwala pero kulang.
- Mga kapatid, kahit gaano, kalakas ang hangin o bagyo sa buhay natin, kapag nakapako ang tingin kay Hesus, hindi tayo panghihinaan ng loob. Hindi tayo lulubog.
1 comments:
strong faith in God
Post a Comment